Bakit Kailangan ng Tulong mula sa Expert para sa inyong Income Tax Return: Ang Papel ng Registered Tax Preparers at CPAs

Registered Tax Preparer preparing income tax return

Tanggapin na natin—ang pag-aasikaso ng buwis ay maaaring maging sakit ng ulo. Kung isa kang freelancer na maraming side hustles and gigs, online seller na nagma-manage ng mga benta sa Lazada o Shopee, o maliit na negosyo na abala sa maraming bagay, maaaring maging overwhelming ang pagsunod sa iyong mga Tax obligations. Dito pumapasok ang expert na tulong mula sa mga registered tax preparer o certified public accountant (CPA) sa Pilipinas na makakatulong upang maayos ang lahat ng iyong buwis.

Sa post na ito, ipapaliwanag namin kung ano ang ginagawa ng mga registered tax preparers, paano nila matutulungan ang mga self-employed at small business owners, at bakit makakatulong ang pakikipagtulungan sa mga tax expert tulad ng Tax Assist PH upang mabawasan ang stress tuwing tax season.

Sino ang Registered Tax Preparer?

Ang isang registered tax preparer ay isang tax professional na makakatulong upang ayusin ang inyong taxes sa lahat ng aspeto mula sa pagkalkula ng buwis hanggang sa pag-file ng returns. Hindi tulad ng mga hindi opisyal na tagapayo, ang mga registered tax preparers ay accredited ng BIR, na nangangahulugang natutugunan nila ang mga mahigpit na pamantayan ng kasanayan at ethics.

Ano ang Ginagawa ng mga Registered Tax Preparers?

Tax Assessment: Sinusuri nila ang iyong kita at tinutukoy ang mga uri ng buwis na kailangang bayaran (halimbawa, income tax, percentage tax, o VAT).

Tax Preparation: Kinakalculate nila ang iyong buwis, tinutukoy ang mga deductions, at inihahanda ang tamang returns.

Tax Filing: Inaasikaso nila ang iyong filing on time at tinutulungan kang magbayad o mag-claim ng refunds kung kinakailangan.

Bakit Kailangan Mong Makipagtulungan sa Registered Tax Preparer?

Laging updated sa mga bagong regulasyon patungkol Buwis

Ang mga batas ukol sa buwis sa Pilipinas ay kumplikado at laging nagbabago. Ang mga registered tax preparers ay updated sa pinakabagong regulasyon, kaya’t matutulungan ka nilang maiwasan ang mga mahal na multa o pagkakamali.

Tamang Pagkalkula at Mabilis na Proseso

Ang pagkakamali sa iyong tax filing ay maaaring magresulta sa audit o multa. Ang mga registered tax preparers ay sinisiguro na walang pagkakamali sa mga dokumentong inyong isusubmit.

Time Saver

Ang paghahanda ng buwis ay nangangailangan ng mahabang oras, it is time consuming—oras na maaari mong gamitin para mapalago pa ang iyong negosyo o mag-focus sa iyong mga gigs. Ipaubaya mo na sa mga eksperto na asikasuhin ang mga detalye ng iyong buwis.

Maximized Deductions

Alam mo ba na ang mga freelancers ay maaaring mag-claim ng home office expenses o na ang mga online sellers ay pwedeng mag-deduct ng advertising costs? Alam ng mga tax preparers kung paano bawasan ang iyong taxable income sa pamamagitan ng mga legal na deductions.

Ano naman ang Role ng CPA sa Pilipinas?

Ang certified public accountant (CPA) sa Pilipinas ay may mas malawak na kasanayan kumpara sa registered tax preparer. Habang ang mga tax preparers ay naka-focus sa tax compliance, ang mga CPAs ay may kaalaman sa auditing, bookkeeping, at financial planning.

Kailan Dapat Makipag-Partner sa isang CPA?

  • Kung ang iyong negosyo ay may komplikadong operasyon o maraming source of income.
  • Kung kailangan mong ng audit certificate para sa iyong tax filings.
  • Kung gusto mong makakuha ng advice tungkol sa pag-manage ng cash flow o pagpapabuti ng profitability.

Ang kombinasyon ng serbisyo mula sa registered tax preparer at CPA ay nagbibigay ng kumpletong solusyon para sa pag-manage ng iyong mga buwis at financials.

Tulong na matatanggap ng Freelancers, Online Sellers, at Maliit na Negosyo mula sa Tax Assist PH

Sa Tax Assist PH, nakatuon kami sa pagtulong sa mga self-employed at small business owners upang masolusyonan ang mga hamon na inyong kinakaharap patungkol sa buwis. Narito kung paano namin kini-customize ang aming mga serbisyo:

Freelancers

Ang mga freelancers ay madalas may irregular na kita at kumplikadong expense claims. Makakatulong kami sa pamamagitan ng:

  • Pagtukoy kung ang 8% optional tax rate o ang itemized deductions ang mas makikinabang ka.
  • Pag-file ng quarterly at annual income tax returns (BIR Forms 1701Q at 1701).
  • Pag-claim ng mga deductions tulad ng internet expenses, software subscriptions, at home office costs.

Online Sellers

Para sa mga online sellers na nagma-manage ng mga benta sa iba’t ibang online selling platform, ang tax compliance ay maaaring maging challenging. Makakatulong kami sa pamamagitan ng:

  • Pagtukoy kung kailangang mag-file ng VAT o percentage tax returns.
  • Pagtiyak ng tamang documentation para sa mga digital transactions.
  • Pag-file ng income tax at iba pang mga returns, kabilang ang VAT kung ang kita ay lumampas sa ₱3,000,000 bawat taon.

Maliit na Negosyo

Ang mga maliit na negosyo ay hindi lamang may mga buwis kundi pati na rin ang mga obligasyong may kinalaman sa mga empleyado. Makakatulong kami sa pamamagitan ng:

  • Pagtulong sa pag-maintain ng BIR-compliant Books of Accounts.
  • Pagprepare at pag-file ng income tax returns at iba pang kinakailangang forms.
  • Pagtitiyak ng payroll tax compliance.

Bakit Piliin ang Tax Assist PH?

Sa Tax Assist PH, kami ay higit pa sa mga tax professionals—kami ay iyong partner sa tax compliance. Narito kung bakit kami pinagkakatiwalaan ng aming mga kliyente:

Accredited Experts

Ang aming team ay binubuo ng mga registered tax preparers at certified public accountants sa Pilipinas, kaya’t makatitiyak ka na ang hahawak ng iyong buwis ay bihasang tax professional.

Customized Solutions

Kung ikaw ay freelancer, online seller, o may maliit na negosyo, naiintindihan namin ang iyong mga hamon at nagbibigay kami ng serbisyo na tutugon sa iyong pangangailangan.

Stress-Free Compliance

Kami na ang bahala sa lahat ng aspeto ng tax preparation at filing, kaya’t makakapag-focus ka na sa mga bagay na mahalaga sa iyo—ang iyong negosyo, trabaho, o pamilya.

I-Manage ang Iyong Buwis Ngayon

Wag nang palampasin! Sa Tax Assist PH, tutulungan ka namin mula sa pag-alam ng iyong buwis hanggang sa tamang pag-file nito on time.

📞 Tawagan kami ngayon sa +63 960 296 0376 o mag-email sa taxassistph@gmail.com upang mag-book ng consultation.

Gawing magaan ang iyong tax season!

www.taxassistph.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *