Airbnb Host Taxes sa Pilipinas: Registration & Payment Guide

airbnb host taxes

Ngayong lumalaki ang pangangailangan ng BIR sa income mula sa mga digital platforms tulad ng Airbnb, lalong naging mahalaga para sa mga hosts na maunawaan ang tamang proseso pagdating sa Airbnb host taxes. Hindi sapat na alam mo lang kung paano magpa-book ng guest—kailangan mo ring malaman kung paano ire-report ang iyong kita, magrehistro bilang taxpayer, at magbayad ng tamang buwis sa tamang oras. Lalo na’t may mga service fee pa mula sa Airbnb na may direktang epekto sa iyong income at tax deductions.

Maraming Filipino hosts ang nalilito kung kailan dapat mag-file, anong form ang gagamitin, o kung dapat ba silang magbayad ng percentage tax o VAT. Dagdag pa rito ang kalituhan kung paano i-handle ang Airbnb service fee—isa ba itong bawas sa kita o deductible expense?

Kaya naman mahalagang may maaasahan kang gabay—gaya ng Tax Assist PH, ang iyong Airbnb Tax Assistance Services Partner in the Philippines. Kami ang tutulong sa’yo para maging maayos, legal, at malinaw ang lahat ng proseso—mula sa registration hanggang sa pagbabayad ng buwis, para makaiwas ka sa penalties at makapag-focus sa pagpapaganda ng iyong Airbnb business.

Magparehistro sa BIR at LGU

Kapag nag-host ka sa Airbnb, kailangang magparehistro bilang negosyo.

  • Form 1901 – para sa self-employed o mixed-income individuals .
  • Magbayad ng annual Registration Fee (Form 0605) at kunin ang Certificate of Registration (COR, Form 2303).
  • Huwag kalimutang kumuha rin ng Mayor’s Permit, Barangay Clearance, at iba pang required local permits.

Income Tax at VAT / Percentage Tax

Income Tax

Ang kita mo bilang Airbnb host ay kabilang sa taxable income.

  • Quarterly filing – BIR Form 1701Q due May 15 / Aug 15 / Nov 15
  • Annual filing – BIR Form 1701 (or 1701A kung opted for 8% flat rate) due April 15 

VAT or Percentage Tax

Depende sa iyong kita:

  • Kung naniningil ka ng ≥ ₱3M gross annual revenue at hindi single-unit residential, kailangan ka na ng …
    • 12% VAT kung above threshold
    • Kung single-unit residential at ≤ ₱15K rent/month → maaaring VAT-exempt, pero 3% percentage tax kung not VAT-registered

Airbnb Service Fee: Deductible Expense

Alam mo ba na ang binabayaran mong Airbnb service fee ay deductible expense? Ibig sabihin, maaari mo itong ibawas mula sa kita mo bilang Airbnb host kapag nagkukwenta ka ng tamang buwis.

Ayon mismo sa Airbnb’s official tax guide, kahit binawasan na nila ang bayad mo bago mo pa ito matanggap, hindi ibig sabihin na hindi mo na ito kailangang i-report. Narito kung paano ito gumagana:

Gross Income vs Net Payout

Gross income ang kabuuang halaga ng booking—ito ang binayaran ng guest.

Net payout ang halaga na natanggap mo na, matapos ibawas ng Airbnb ang kanilang service fee.

Halimbawa:

  • ₱10,000 ang total booking ng guest
  • ₱1,400 ang Airbnb service fee (Host-Only Fee Model)
  • ₱8,600 lang ang pumasok sa bank account mo

Sa mata ng BIR, ang dapat mong ideklara na kita ay ₱10,000, hindi ₱8,600. Kasi ang Airbnb fee ay hindi bawas sa income, kundi gastos ng negosyo na puwedeng i-deduct separately.

Bayad at Filing Channels

May mga opsyon ka para sa filing at payment:

  • Manual – Submit sa RDO at Authorized Agent Bank
  • eFPS – Para sa big businesses/VAT-registered
  • eBIRForms – Para sa freelancers at small hosts, offline o online

Payment options: agent banks, e-wallets, o internet banking.

Payo mula sa Tax Assist PH

Bilang iyong Airbnb Tax Assistance Services Partner in the Philippines, inirerekomenda naming itabi mo ang mga payout summaries at resibo ng Airbnb. Ito ang magpapatunay na may binayaran ka ngang service fee—at karapat-dapat itong i-deduct.

Kung nalilito ka pa rin kung paano ito i-account o isama sa income tax return mo, kami ang bahala!

 Kami ang iyong Airbnb tax assistance services Philippines partner!

  • Ire-record namin ang gross at net earnings mo
  • Ika-categorize ang Airbnb service fee bilang deductible
    Mag-file ng tamang forms on time
  • Iprovide ang books of accounts, nang compliant ka sa BIR

Pag may Airbnb income ka, hindi lang kita sa listing ang kailangan mong tutukan—ang tamang airbnb host taxes ang magpapatibay sa negosyo mo. Tamang rehistro, tamang filing, at tamang dokumentasyon—yan ang sikreto para sa matagumpay at nutribigong hosting business sa Pilipinas.

 taxassistph@gmail.com •  +63 960 296 0376


Alamin kung paano namin kayo matutulungan bilang kasama sa pag-aasikaso ng tax—para stay compliant at focus ka sa pag-host!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *