7 Senyales na Kailangan Mo Nang Mag-Hire ng Bookkeeper (Bago Ka Malunod sa Resibo!)

hire a bookkeeper

Kung isa kang freelancer, online seller, o small business owner sa Pilipinas, malamang ay sanay ka na sa juggling act—benta dito, kliyente doon, at siyempre, may resibo pa sa gilid. Pero sa dami ng kailangan mong asikasuhin, tanong: kumusta naman ang financial records mo?

Maraming business owners ang hindi agad nakikita ang halaga ng pag-hire ng bookkeeper—hanggang sa dumating ang deadline ng BIR o kaya’t magulo na ang kanilang cash flow. Para matulungan kang makapagdesisyon kung kailangan mo na ng tulong, narito ang 7 senyales na oras na para mag-hire ng bookkeeper.

1. Hindi mo na ma-track ang income at expenses mo

Isa sa pinaka-basic na dahilan para mag-hire ng bookkeeper ay kung hindi mo na alam kung magkano ang kinikita o ginagastos mo bawat buwan. Kapag lumagpas ka na sa punto na parang “hulaan” ang finances mo, delikado na ‘yan.

Ang tamang bookkeeping ay nagbibigay sa’yo ng malinaw na picture ng financial health ng negosyo mo. Kapag malinaw ang cash flow, mas madali ang pagbuo ng financial decisions—hindi base sa hula, kundi sa facts.

2. Nai-stress ka tuwing tax season

Kung bawat April 15 ay parang horror story para sa’yo, ibig sabihin ‘yan na hindi ka handa. At madalas, kulang sa tamang bookkeeping ang dahilan.

Ang bookkeeper ang bahala sa pag-organize ng resibo, paghahanda ng reports, at pag-monitor ng tax obligations. Bookkeeping in the Philippines ay may mga partikular na BIR rules—kaya kung wala kang oras o hindi sapat ang iyong kaalam dito, mas mabuting ipaubaya sa eksperto.

3. Na-late ka na mag-file sa BIR (o muntik na!)

Ang penalties sa late filing ay hindi biro—may surcharge, interest, at compromise penalty pa. Kung hindi mo kayang tutukan ang filing schedules (monthly, quarterly, annual), baka kailangan mo na ng tulong.

Ang isang bookkeeper ay pwedeng maging katuwang mo upang masiguradong na compliant ka sa mga requirements ng BIR. Hindi mo na kailangan pang abangan ang huling araw bago mag-file.

4. Wala kang maayos na system sa pag-record ng resibo at invoices

Kung ang mga resibo mo ay nakatambak sa kahon, envelope, o nasa iba’t ibang folders sa phone mo—red flag ‘yan. Isa sa core roles ng bookkeeper ay ang pag-maintain ng organized, updated, at BIR-compliant books of accounts.

Hindi lang ito para sa tax season. Kapag may organized records ka, madali rin ang paggawa ng financial statements, loan applications, o pagkuha ng investors para sa iyong negosyo.

5. Hindi mo alam kung kumikita ka o nalulugi

Maraming small business owners ang walang idea kung ang kanilang negosyo ay profitable na. Akala mo okay ang benta, pero bakit parang laging kulang ang pera?

Ang isang bookkeeper ay hindi lang nag-eencode ng resibo—sila rin ay tumutulong sa’yo na makita ang financial performance ng negosyo mo. Gamit ang tamang reports, malalaman mo kung alin ang profitable products, saan lumulobo ang gastos, at ano ang dapat i-adjust para ma-save ang iyong negosyo.

6. Lumalaki na ang negosyo mo

Growth is good! Pero habang lumalaki ang negosyo, mas komplikado rin ang finances. Kung dati ay isang platform ka lang nagbebenta, ngayon ay nasa Lazada, Shopee, at TikTok Shop ka na.

Ibig sabihin nito: mas maraming sales reports, fees, at taxes na kailangang i-track. Ang pag-hire ng bookkeeper ay investment para mas mapagtuunan mo ng pansin ang pagpapalago ng negosyo, habang may gumagawa ng financial side para sa’yo.

7. Gusto mong iwasan ang audit at legal problems

Ang hindi tamang bookkeeping ay pwedeng magdulot ng red flags sa BIR. Lalo na kung may discrepancies sa income, VAT, or expenses.

Professional bookkeeping in the Philippines ay nakatutok sa pagsunod sa tax laws, tamang pag-record ng transactions, at pagbibigay ng accurate reports. Kung gusto mong matulog nang mahimbing at hindi kabahan sa “love letter” ng BIR, mag-hire ka na ng bookkeeper.

So, Kailangan Mo Na Nga Ba Talaga ng Bookkeeper?

Kung kahit isa sa mga senyales sa itaas ay nararanasan mo na—yes, kailangan mo na ng tulong. Hindi ka nag-iisa. Maraming freelancers, online sellers, at small business owners sa Pilipinas ang nakakaranas ng mga puntong nabanggit sa itaas.

Walang masama sa paghingi ng tulong, lalo na kung makakabuti ito sa iyo at sa iyong negosyo.

Paano Makakatulong ang Tax Assist PH?

Sa Tax Assist PH, naiintindihan namin ang unique na challenges ng freelancers, online sellers, at small business owners. Ang aming team ng registered bookkeepers at CPAs ay handang tumulong sa:

  • Pag-maintain ng accurate and BIR-ready financial records
  • Pag-organize ng resibo at expense tracking
  • Pagbuo ng financial reports na magagamit mo sa decision-making
  • Paghahanda sa tax filing at pag-iwas sa penalties

Huwag Mong Hintayin Malunod sa Resibo

Ang pag-hire ng bookkeeper ay hindi gastos—ito ay investment sa kalinawan, kaayusan, at growth ng iyong negosyo. Bago pa mag-pile up ang resibo o magka-problema sa BIR, maging proactive at kontakin na kami ngayon.

Mobile number +63 960 296 0376
Email address: taxassistph@gmail.com

Website: www.taxassistph.com

Mag-focus ka sa negosyo mo—kami na ang bahala sa bookkeeping.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *